Elitistang bulok!
Apr 27th, 2009 | By Balut Vendor | Category: Science & Technology

Madaming pinoy sa atin ngayon ay akala mo kung sino na kapag nakabili ng banyagang produkto. Meron diyan may IPhone lang ay grabe na mang mata ng kapwa niya. Hellooo! may IPhone din ako ungas!Yung IPhone ko ang nakasaksak lang eh sim card na pang autoload ko.

Meron naman diyan may laptop tapos tatambay sa Starbucks, bibili ng piiinaka maliit na size ng kape tapos buong araw tatambay na tila pag aari na ang pwesto niya. baka hindi niyo alam ,kahit magbabalot lang ako, may Macbook Air ako! Dito ko lang nilagay yung ilan at magkano na nabenta kong balot at penoy sa buong araw eh kaya para san pa yang pinagmamalaki mo?

Madami sa mga nakikita kong may “gadget” eh hindi alam gamitin yung gadget nila, kawawang gadget naman, napunta sa maling kamay.  Tama na pagpapanggap niyo mga tsong! Bili na lang kayo ng balot ko may libreng iodized salt pa!

If you enjoyed this post, make sure you subscribe to my RSS feed!
Tags: , , , ,
  • tunaman
    sayang naman ang iphone mo gamit mo lang sa pang-load. at dahil magbabalot ka, saan mo gagamitin yung mac book air? wala lang, pinagyayabang mo lang? saka, kelan pa naging bawal tumambay sa starbucks? may mac ka o wala, pwede ka namang tumambay talaga doon di ba? dapat ba kung naka-macbook ka di pwedeng isang kape lang ang bibilhin mo? pwede ka nang di na umorder e. ang labo mo naman tsong pakilinaw. ang lumalabas ikaw ang mayabang.
blog comments powered by Disqus