Fashionistang Jologs
Apr 28th, 2009 | By | Category: Health and Lifestyle

Hindi naman lingid sa kaalaman natin na patuloy ang pagtaas ng lahat ng bilihin, hindi lang sa Pilipinas kong Mahal kundi kasama na din ang mga banyagang bansa.

Napansin ko lang na kahit madami na ang naghihikahos sa hirap eh madami pa din akong kakilala na panay ang porma. Yung mga tipong iipunin nila ang pangkain nila makabile lang ng mga mamahaling gamit na pwede nilang ipagmayabang sa mga kaibigan at lalo na sa mga kaaway nila. Parang mga tanga lang ano po? Para lang masabing “in” sila eh magpapakagutom sila para lang may ipagmayabang! Sana lang eh mabagok na ang mga ulo nila sa pader at para naman maisip nila na mas importante ang pagkain kesa sa pamporma! Hay naku!

Pero may mga kilala din naman ako na medyo bilib ako… medyo lang kase sila yung mga tipo ng tao na kahit walang wala na sa buhay eh nakakagawa pa din ng paraan para makapag “japorms”. Paano tanong nyo? Eh dahil lang naman ito sa mga “pirated” na damit at gamit na mas mura ng di hamak kesa sa mga “orig”. Hahaha… ang galing ano po?

Syempre, ang inyong lingkod ay hindi din papahuli sa kanila… at dahil pinay ako eh may “fashion” din naman ako sa katawan, hindi nga lang kagaya ng dalawang una kong nabanggit. Wala akong pambile ng mga orig na damit kase masyodo mahal at hindi pasok sa budget ko. Ayaw ko din naman bumile ng pirated dahil baka tawanan lang ako ng mga amiga ko… Kaya naman ang aking munting sikreto ay ang pagbile ng mga segunda manong mga damit.

Tama second hand na mga damit at gamit. Ukay-ukay po ang shopping heaven ko. Dito ay makukuha ko ang mga orig na damit sa presyong mabait. Ito po ang tinatawag na Fashionistang Jologs!

Hindi ko na kailangan pang gumastos ng malaki para lang maging “in” sa fashion. At least ako eh nakakain ng tama at nakakapag suot pa ng “orig”

Tama naman ako diba?

O sya sumasakit ang tyan ko, banyo muna ako at baka lumabas na din ito sa wakas.

If you enjoyed this post, make sure you subscribe to my RSS feed!
Tags: , ,
  • pangit

    putang ina…nakakiniz……….LOve puro nalng LOve………. nag mahal pa ako kung uala naman nagmamahal skin…….